FREQUENT ASKED QUESTIONS


TANONG: Paano gumagana ang software?

SAGOT: Ang sistema ng software ay bilang Backup File. Lahat ng processo na nagaganap sa iyong cell phone ay pinapadala sa isang Server kung saan ito ay inililipat sa iyong pribadong account upang iyong makita sa oras na kailangan mo ng mga impormasyon na galing sa iyong cell phone. Maraming paraan upang ilagay ang SWISS sa iyong Mobile Phone. See USER GUIDE.

TANONG: Ito ba ay gumagana sa akin mobile phone?

SAGOT: Ang Swiss ay ginawa para gumana sa mga mobile phone na kung tawagin ay smartphones at Blackberrys. Ang aming software ay ina-update upang maging angkop ang aming sistema sa mga bagong modelo ng mga cell phones. Kung gusto ninyong makita ang listahan ng mga modelo at mga pangalan ng mobile phone na nababagay sa SWISS, bisitahin ang aming main page sa Supported Phones.

TANONG: Ang Swiss ba ay Legal o na aayon ba sa ating batas dito sa Pilipinas?

Sagot: Ito ay Legal basta ikaw ang nagmamay ari ng mobile phone na paglalagyan ng SWISS o kaya ikaw ay merong awtorisasyon sa tunay na may ari ng cell phone ng paglalagyan mo ng SWISS. Halimbawa: pwedeng maglagay sa cell phone ng mga empleyado mo kung ang companya ang nagbabayad ng network line, pinapayagan din ng batas na pwedeng maglagay sa mga anak mo na minor de edad. Maliban dito, Ito ay mahigpit na ipinag babawal ng batas natin ang pag gamit nito sa maling pamamaraan.

TANONG: Malalaman ba ng Ibang tao na nakalagay at tumatakbo ang SWISS sa aking mobile phone?

SAGOT: Wala siyang symbol or palatandaan na meron nakalagay sa iyong mobile phone. Ito ay sadyang itinago upang hindi mapakialaman ang settings nito dahil sa pagpalit palit ng settings na ito, maaring hindi na gumana ng tama ang sistema.

TANONG: Meron ba kayong technical Support?

SAGOT: Oo, meron kaming 4 technical support.

1. Sa website Chat Box or technical support Box

2. Sa pamamagitan ng email ng technical

3. Sa pag tawag sa aming landline/mobile phone

4. Sa pag punta sa aming opisina.* kailangan po muna ninyong gumawa ng appointment bago kayo pumunta

Paalala: Siguraduhin na nasasa inyo ang card ng SWISS na nag lalaman ng Members Number at Serial Number, dahil kapag wala ang mga ito hindi kayo sapat na matutulungan ng aming staff sa dahilan na kailangan namin ang mga nararapat na mga mahahalagang impormasyon.

TANONG: Ang Swiss ba ay nag update ng sistema?

SAGOT: Oo, patuloy ang pag update ng SWISS upang maging angkop o nababagay sa mga bagong modelo ng mobile phone.

TANONG: Kailangan ba na may Internet access ang aking mobile phone?

SAGOT: Oo, Hindi ito gagana kung walang internet. Lahat ng mga cell phone network companies ay may serbisyong pang internet, subalit kaylangan ninyong mag subscribe para maka avail ng internet service. Para makatipid sa internet fees, Maaring gumamit ng libreng WIFI kung ang mobile phones ninyo ay may kapasidad para dito.

TANONG: Kailangan bang naka Jailbreak ang aking cell phone?

SAGOT: Oo, ang iyong cell phone ay kailangan naka jailbreak.

TANONG: Paano ako makakakuha ng malaking discount? Pwede ba akong mag benta nito?

SAGOT: Nag bibigay kami ng malaking discount sa mga mapipili naming dealer or distributor, kung kayo ay interesado pwede kayong mag padala ng iyong mga intensyon na magbenta sa dealership@swiss-global.com. Kahit sino ay pwedeng mag benta basta my sapat na requirements. Alamin kung paano, bumisita sa amin website.
TANONG:Pwede ko bang gamitin ito sa labas ng bansa o kaya sa probinsya? Paano kung sa gubat?

SAGOT: Oo, ito ay gagana. Kahit saan lugar pwedeng magamit ang SWISS basta meron kang internet access. Maging ito ay sa ibang bansa, sa probinsya o kahit gubat basta umaabot ang signal ng internet sa inyong mobile phone.

   
   
Join Us On: